Breeder’s Story: Just How Devastating the Marek’s Disease is



Marek’s disease is becoming a big problem among many chicken growers and in this article, one of our contributors from Tanay, Rizal will share his story. 

Marek’s disease is a highly contagious viral neoplastic disease in chickens. It is named after József Marek, a Hungarian veterinarian. There is no treatment for Marek’s disease other than vaccines which should be administered on day-old chicks. The disease is deadly and like other contagious diseases, it can affect your flock and can run your breeding business aground.

The cost of Marek’s vaccine is around P800. The last time I purchased a month ago it was P817. The price may vary depending on location.

Let’s hear Jerwin Catapang’s story.

Ako po si Jerwin Catapang, tubong Batangas pero nasa Tanay, Rizal na nakatira since taga rito po ang asawa ko. Matagal na po akong nagmamanok ng native at panabong at last 2017 ako nag start ng heritage breeds.

Bale nag-umpisa ako sa 20 na sisiw. Tig limang Rhode Island Red, Barred Plymouth Rock, Black Australorp, at Buff Orpington. Binili ko po ito sa Cabuyao, Laguna noong February 2017.

Sa kasamaang palad, after 3 weeks na nasa akin ang mga sisiw, naging sakitin at walang natira sa Orpington. Sa RIR, BA and BPR naman, tig-isang pares ang natira. Bumili ulit ako dito naman sa Pasig ng sampu at inihiwalay ko.

Umabot sa 5 months ang mga nauna kong nabili pero ang tatlong inahin, unti-unting namayat kahit malakas kumain hanggang sa naging buto’t balat at di na makatayo hanggang sa namatay. Sa tagal ko nang nag-aalaga ng manok tagalog at panabong ngayon lang ako naka experience ng ganito. Nagtataka talaga ako dahil nakakulong lahat sila at ginawan ko ng malaking bahay.

Samantala, yong binili kong sampu ay ni isa di nabawasan at nag-lakihan lahat.

Last February 2019, nag-umpisang mangitlog yong second batch ko at nakapag papisa ako ng mahigit 50 na sisiw. After ng brooding period, nilagay ko ang ibang sisiw dun sa bahay ng mga dating namatay at gaya ng dati, unti-unting namatay ang mga manok ko pagsapit ng 3 to 5 months. Dito na ako nag-isip na may virus talaga na naiwan dun sa kukungan, samantalang yong iba kong manok na nasa ibang kulungan ay never nagkasakit. Hindi pa ako nagvavaccine nong time na yon dahil hindi pa ako sure kung ano talaga ang sakit. Nitong huli na lang ako nagdecide na magvaccine after ko magresearch.


Ang siste, sa Mareks, hindi tatamaan ang sisiw. Ang masaklap nito pag nahawa, umpisa syang lalabas pag nasa 3 months na ang manok. Papayat kahit malakas kumain hanggang sa hindi makatayo at mamatay. Sabi nga ng resources wala daw itong gamot.

Ang ginawa ko, nilinis ko ang bahay tapos nilagyan ko ng mga tuyong dahon at nagsiga ako sa loob. Nag dis-infect din ako ng tudo at pinalipas ko ang ilang buwan habang nagsisiga lagi bago lagyan ulit ng manok.

Nag umpisa akong mag apply ng vaccine November last year at so far wala nang may namatay.

Malaki ang duda ko na ang marek’s na wala dati sa amin ay galing dun sa mga unang sisiw na nabili ko.

Ang Marek’s disease ay tatama kahit gaano ka healthy ang manok. Malaki ang panghihinayang ko dun sa unang dalawang inahin na namatay dahil pareho nang nangingitlog. Isang araw bigla na lang tumigil tapos nalumpo pareho hanggang sa namatay.

Ang Marek’s vaccine po ay may kamahalan, nasa P800 pero kung hindi natin babakunahan ang manok natin masasayang lang ang pagod natin. 

This 4-month old Black Australorp is suffering from Marek’s Disease since she was 3 months old. She eventually died after a week since this photo was taken.

The problem with Marek’s disease is it can strike even the healthiest chicken if the virus is already inside their body.



See also:

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *